Saturday, December 29, 2007

Current Game na inaadict ko


Si lahar yung nasa kanan at Etna yung nasa kabila.. yang yung inaaddict ko na laro.. wala akong pinaglalruan sa PSP kundi yang disgaea na yan.. hindi na nga ako nakakapagflyff dahil dyan.. at the momment ang goal ko is makagawa ng level 9999 na character at makuha lahat ng gold na weapons and accesorries.. level 13 palang si lahar ko mga taon din malalamang bago ako mag 9999.

PSP ko

believe or not kulay pale blue yang PSP na yan.. he he he, binili ko sya last bonus, para may paglibangan naman ako.. kaso mukhang naaddict na ako sa kanya.. kasi wala na me ginawa kahit saan kundi magpsp.. Marami ng nagaabang sa bahay na magsawa ako dyan para maarbor na nila.. kaso it seems na mga taon pa ang bibilangin bago ko sya pagsawaan..
nung makita ko na dumating ang bunos ko dali-dali akong naghanap sa ebay ng pinakamurang psp na mabibili at kahit alas 4:30 na ng hapon ay lumawas kami ng kapatid ko papuntang robinson's pioneer para mabili lang to. kinontak ko muna yung seller at siniguradong may blue pa syang psp. pagdating dun nakuha na nung last na buyer yung pinakahuling kulay blue na psp. nagdrama ako sabi ko galing pa ako ng dasma at pumunta pa me dun para sa blue na psp. naawa naman ung magasawa na nauna as akin at binigay sa akin ang blue sabinila kawawa naman daw ang bata.. he he he kaya maraming salamat sa kanila at may blue akong psp.. he he he he

mga wrist watch ko


yung nasa right is a casio F-91W na digital na relos ang nasa tabi niya naman is Gloria quartz watch. Parehas bigay ni papa(tatay ko). Una nya binigay yung gloria.. pang babae sya na relos, I like it kasi hindi sya makintab at gold-plated. as for the casio kabibigay lang ni papa sa akin nung December 23 bago sya umalis papuntang qatar. inooffer nya kung gusto ko. he he he.. and me being someone who loves digital things agreed instantly.. saka medyo matagal na me naghihintay na mabigyan nya ng casio digital wrist ulit.. lagi kasi syang may bagong relo pag uwi nya.. kaso nung mga nakaraan dun nya naibigay sa mga kapatid ko.. kaya ngayun I'm glad na sa akin naman napunta.. he he he he

Ang Cellphone ko


cellphone ko ngayun... isa etong sony ericsson na di ko kilala kung anong model. Pinahiram lang to ng tatay ko kasi kawawa naman daw ako at wala akong cellphone. At least colored sya.. balak kasi sanang ipahiram sa akin ay 3310 kasi lagi na lang daw ako nakakawala ng cellphone.. What else can I say about this phone.. liban sa lagi ko syang nakakalimutan icharge palagi ay nakakalimutan ko rin sya madalas sa bahay. Nawawala kasi sa isip ko na icheck kung dala ko ba sya o hindi.




Desktop Ko Sa Trabaho


bilang mga paunang relief pictures.. eto ang desktop na gamit ko ngayun.. shhhh... wag kayo maingay na ito ang ginagawa ko .. medyo hindi kasi ako makapagisip sa gagawin kong application kaya eto naguupload muna ng blog.. shhhh.. wag lang kayo maingay sa boss ko.
The 21 inches ata yung monitor na kumukurap kurap intermittently.. May matinong monitor naman dito ang kaso ayaw ko pa siyang palitan kasi masyadong maliit ang resulution ng monitor na yun.. Nahihirapan ako magcompare ng mga worksheets kaya kahit na medyo madalas na bukas-sara tong monitor na to.. I still want to use it.. not unless bibigyan nila ako ng 19" na LCD he he he.. pag namamatay sya iniimagine ko na lang na pinapaalala nya sa akin na wag lang sa monitor tumingin kailangan magpahinga rin ang mata... he he h he
yung mouse naman ay isang makalumang mouse na de-bola.. kakainis nga kasi minsan ayaw nya sumunod sa gusto kong puntahan nya.. pero at least may roller na sya .. thanks god.



Kick-off

Well, wala lang trip lang.. medyo na-addict ako sa kakapakinig ng madworld kaya may "mad" at "world" ang title nito. As for relief paano naman kasi yung nabili kong mp4 dyan sa metropolis dispalinghado.. 10.0 megapixels daw siya, ni hindi nga sya makakuha ng colored na matino.. although yung relief na effect nya medyo pwede na pagtiyagaan.. somehow mukhang syang pang art project. kaya I'm posting yung mga relief shots ng kamera ng mumurahing mp4-camera na 'to.
Background about the camera.. nabili ko sya mga 3-4 weeks ago.. wala naman talaga akong balak bumili ng mp4-camera talaga nung magpunta kami ng brother ko sa metropolis, although I would like to buy an mp3 na worth 1K to 1.2K kasi binigyan ako ni papa ng 1K dahil kadadating lang nya. Kaso medyo naenganyo ako bilin sya paano ba naman it's worth 2.1K (hiniraman ko pa ng 1.5K ang brother ko) tapos mp3 sya na may malaking screen(mababasa mo yung subtitle kung mayrun) and may camera pa sya. Saka 10 Megapix ang nakasulat sa kanya. Sinubukan ko naman ang kamera dun.. akala ko madilim lang sa metropolis kaya pangit ang kuha nya. Yun pala pangit pala talaga.. maganda pa kuha ng cell phone ko na naka 1.3 megapix lang..
At first nakakakuha pa sya ng matino. pero after 1 week nagkakaroon na ng discoloration ang mga shots nya. Tapos Out of experimentation napansin ko na medyo maganda yung relief mode niya parang abstract kaya I will be posting it here along with some comments ko sa picture.. kung mayrun.. he he he he..